TUMAAS ng 32 percent ang bilang ng mga milyonaryo sa Pilipinas sa nakalipas na dekada.
Batay ito sa report ng Henley & Partners, isang Global Consultancy Firm sa Residence and Citizenship sa pamamagitan ng investment.
Ayon kay Henley & Partners Managing Director Scott Moore, ang Pilipinas ay mayroon ng tinatayang 12,800 High-Net-Worth Individuals o mga milyonaryo na may at least one million dollars.
Kabilang aniya rito ang 70 centi-millionaires o mga indibidwal na may Liquid Investable Wealth na at least 100 million dollars, at labindalawang bilyonaryo.