MAGPAPATUPAD ang Pilipinas ng Framework sa Crypto-Assets para labanan ang Cross-Border Tax Evasion at Illicit Financial Flows.
Sa statement, sinabi ng Department of Finance na sisikapin ng bansa na maisakatuparan ang Crypto-Asset Reporting Framework (CARF) pagsapit ng 2028.
Kabilang na ang Pilipinas sa animnapu’t pitong iba pang Jurisdictions na nag-commit na ipatutupad ang CARF pagsapit ng 2027 o 2028, kabilang ang sampung nasa asya.
Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kailangan ng bansa ng mas mabilis at mas matatag na mga sistema para sa kolaborasyon kung nais nating masugpo ang Tax Evasion at mga iligal na transaksyon.