13 July 2025
Calbayog City
National

Pilipinas, magpapadala ng karagdagang Filipino peacekeepers sa UN Missions

MAGPAPADALA ang Pilipinas ng karagdagang Filipino peacekeepers sa United Nations (UN) Missions upang makapag-ambag para sa mas ligtas at mas matiwasay na mundo.

Pagtiyak ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa UN Peacekeeping Ministerial Meeting sa Berlin, Germany, na dinaluhan ng mahigit 150 high-level delegations.

Inanunsyo ni Teodoro ang mga bagong pledge ng Pilipinas, gaya ng deployment ng isang Light Infantry Battalion mula sa AFP at isang Formed Police Unit sa ilalim ng UN Peace Capability Readiness System.

Ipagpapatuloy din aniya ng Pilipinas ang pagde-deploy ng military observers at individual police officers para suportahan ang staff offices ng UN Missions sa iba’t ibang panig ng mundo.

Karagdagan ito sa existing contributions ng bansa, gaya ng Quick Reaction Force Company at Military Construction Engineering Company.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).