NILAGDAAN ng Pilipinas ang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang United Arab Emirates (UAE) para sa kolaborasyon sa renewable at nuclear energy at iba pa, na ang implementation agreement ay itinakdang pirmahan kasama ang UAE State-Owned Company sa January 2025.
Sinabi ng Department of Energy na tinukoy sa MOU ang areas of collaboration bilang renewable energy; liquefied natural gas bilang transition fuel; power generation, transmission system; nuclear energy; energy efficiency and conservation; at alternative fuels at emerging technologies.
Ang MOU ay isa sa mahahalagang kasunduan na na-accomplish sa working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa UAE kamakailan, kung saan nagpulong sila ni President Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.