13 March 2025
Calbayog City
Business

Pilipinas, itutuloy ang pagluluwas ng asukal sa Amerika

ITUTULOY ng Pilipinas ang pag-e-export ng raw sugar sa Amerika sa gitna ng tumaas na domestic production ngayong taon, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa Sugar Order No. 3 na may petsang July 26, sinabi ng sra na magluluwas ang Pilipinas ng 25,300 metric tons ng raw sugar sa u-s para mapunan ang sugar quota allocation para sa taong 2024.

Huling nagluwas ng asukal ang Pilipinas na may kabuuang 112,008 metric tons sa U-S noong 2020-2021 crop year.

Simula noon ay hindi na nakapag-export ang bansa ng raw sugar sa Amerika bunsod ng problema sa domestic supply.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.