MAGANDA ang naging pagsisimula ng kampanya ng Filipina Boxer na si Aira Villegas sa 2024 Paris Olympics, makaraang talunin si Yasmine Mouttaki ng Morocco via unanimous decision sa Women’s 50 Kilogram Event, kaninang madaling araw.
Kinailangan ni Villegas ng three rounds para makuha ang desisyon ng mga hurado sa score cards na 30-27, 29-28, 29-28, 29-28, at 29-28.
Sunod na makakasagupa ni Villegas si Roumaysa Boualam ng Algeria sa round of 16 sa Biyernes.