UMAASA ang Pilipinas ng magandang deal sa US, sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa mababang tariff rate.
Ayon kay Trade Secretary Ma. Cristina Roque, nasa proseso pa rin ang negosasyon at hindi ito one-time meeting lamang.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Nakipagpulong si Roque, kasama sina President for Investment and Economic Affairs Frederick Go at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez kay US Trade Representative Jamieson Greer sa Washington D.C. Noong May 2.
Bago bumiyahe ay sinabi ng trade secretary na ang kanilang layunin ay maibalik ang taripa sa pre-“liberation day” level.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ni US President Donald Trump ang mas mataas na reciprocal tariffs sa karamihan ng trading partners nito, kung saan pinatawan ang Philippine goods ng ikalawa sa pinakamababang rate sa Southeast Asia na 17 percent.