HIHILINGIN ng Pilipinas na ma-exempt mula sa plano ng Amerika na patawan ng 100 percent na taripa ang Semiconductors.
Sinabi ni Secretary Frederick Go, Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs, na wala pa namang Official Announcement mula sa US.
ALSO READ:
Naghahanap pa rin aniya ang Pilipinas ng kalinawan mula sa Amerika hinggil sa napaulat na taripa sa Semiconductors.
Umaasa si Go na maiku-konsidera ng US, na ang Pilipinas ay bahagi lamang ng mahabang Supply Chain at hindi nag-e-export ng Finished Product.