28 October 2025
Calbayog City
National

Pilipinas at Japan, nagkasundo “In Principle” sa bagong Defense Logistics Deal

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Japan, In Principle, para sa bagong Defense Agreement na may kinalaman sa palitan ng Supplies at Services ng kani-kanilang Armed Forces.

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng bagong halal na prime minister ng Japan na si Takaichi Sanae, ang kasunduan sa kanilang unang Bilateral Meeting, sa Sidelines ng 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) ay magpapadali sa koordinasyon at Resource-Sharing, sa pagitan ng dalawang militaries tuwing mayroong Exercises, Humanitarian Missions at iba pang mga operasyon.

Inumpisahan ang negosasyon para sa naturang Deal noong Abril.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).