DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Forecast-Based Anticipatory Action Training on Community-Based Disaster Risk Reduction and Management na inorganisa ng Philippine Red Cross Western Samar Chapter.
Sa session, kahapon, na ginanap sa CMO Conference Room ay pinangunahan ni Chapter Administrator, Engr. Grace Davines Nube.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Itinampok sa training ang proactive strategies at community-centered approaches para pagtibayin ang kahandaan at katatagan laban sa mga kalamidad at sakuna. Binigyang diin ng presensya ni Mayor Mon ang commitment ng city government sa collaborative action at capacity-building initiatives na magbibigay ng proteksyon sa mga komunidad at tiyakin ang napapanahon at epektibong pagtugon sa panahon ng krisis.
