HINDI naitago ng fans ang kanilang excitement matapos opisyal nang simulan nina Kathryn Bernardo at James Reid ang kanilang upcoming TV series na “Someone Someday.”
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinasilip ng ABS-CBN TV Production Company na Dreamscape Entertainment ang filming set ng teleserye.
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Sa isang larawan, all smiles sina Kathryn at James, kasama ang kanilang series director na si Chad Vidanes na tila nasa isang bar.
Sa sumunod pang post, kasama ng lead actors ang cast members na sina Matt Evans, Nicco Manalo, Gela Atayde, Daniela Stranner, Bong Gonzales, Kat Galang, Majoy Apostol at Miggy Jimenez.
Ang “Someone Someday” ang unang beses na mapapanood sina Kathryn at James sa isang Primetime Project. Itatampok din sa naturang series si Maja Salvador, ayon sa naunang anunsyo.
