WALA pang natatanggap na anumang impormasyon ang Philippine Embassy sa Portugal tungkol kay Resigned Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona, na wala pang report na o anumang impormasyon na naibibigay ang Philippine Embassy.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanselado na ang pasaporte ni Co, na umalis ng bansa para umano magpagamot.
Gayunman, hindi masagot ni Escalona kung mayroong foreign passport ang dating chairman ng House Appropriations Committee.
Si Co at labing anim na iba pa ay nahaharap sa Malversation at Graft charges sa Sandiganbayan dahil sa 289-Million Peso Substandard Road Dike Project sa Oriental Mindoro.
