INANUNSYO ng ABS CBN na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bibida sa Philippine Adaptation ng South Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim?”
Ang serye ay ipo-produce ng Dreamscape Entertainment at inaasahang mapapanood sa marso sa susunod na taon.
Si Kim Chiu ang gaganap bilang Secretary Kim habang si Avelino naman ang gaganap bilang Vice-Chairman na orihinal na serye na ginampanan ni Park Seo-Joon.
Ito na ang ikatlong adaptation sa pagitan ng ABS-CBN at Viu, kasunod ng “The Broken Marriage Vow” at “Flower of Evil.”
(DDC)