Sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Lunes, June 16 mas pinaigting na ng Office of Transportation Security (OTS) ang seguridad sa mga transport terminal sa bansa.
Nagsagawa ng inspeksyon ang OTS sa mga pangunahing transport terminal bilang parte ng Oplan “Balik Eskwela 2025”.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Kabilang dito ang Northport Passenger Terminal, Zamboanga Airport Station, Five Star Bus Terminal, at LRT Line 2, na inaasahang magkakaroon ng mataas na bilang ng mga pasaherong bumabiyahe, sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Patuloy na nakikipagtulungan ang OTS sa iba’t-ibang ahensya at mga transportation stakeholders upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng transportasyon sa p
agsisimula ng pasukan. Samantala, binigyang-diin ni OTS Officer-in-Charge Assistant Secretary Jose Briones Jr. ang kahalagahan ng maagap na aksyon upang matiyak na ang mga pasilidad sa transportasyon ay handa at kayang magbigay ng ligtas na biyahe sa gitna ng pagdami ng mga pasahero.
