NAGPADALA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng eroplano para bantayan at i-challenge ang isang Chinese Research Vessel na naisapatan malapit sa Cagayan.
Ipinag-utos ni PCG Commandant, Admiral Gil Gavan, ang Deployment ng Aircraft ng Coast Guard para magsagawa ng Maritime Domain Awareness (MDA) Patrol noong Sabado.
Local Absentee Voting, pinaaamyendahan; Healthcare Workers, PWDs, Senior Citizens at buntis, dapat payagang makaboto ng mas maaga
Mga buto na narekober sa Taal Lake, planong ipadala ng DOJ sa ibang bansa para sa DNA Testing
Pagtaas ng taripa sa imported na bigas at pansamantalang pagpapatigil sa importasyon, inirekomenda ng DA
Pangulong Marcos, nasa New Delhi, India para sa 5 araw na State Visit
Ito ay para tapatan ang presensya ng Xiang Yang Hong 05, na namataan, tatlumpu’t pitong milya ang layo mula sa baybayin ng Sta. Ana, Cagayan.
Nagpadala rin ng Radio Challenge ang PCG Aircraft subalit hindi tumugon ang barko ng Tsina.
Unang pumasok sa Philippine Exclusive Economic Zone ang Xiang Yang Hong 05 noong June 7 at umalis noong June 9, subalit muling pumasok sa EEZ noong July 31.