NANAWAGAN ang Non-Government Organization na Citizens Crime Watch (CCW) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumikha ng Board of Inquiry na mag-iimbestiga sa mga alegasyon na ilang kongresista ang sangkot sa korapsyon sa Infrastructure Projects ng pamahalaan.
Sa press conference, sinabi ni CCW President Diego Magpantay na naniniwala siya na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mapatutunayan ni Pangulong Marcos ang pagiging sinsero nito sa paglaban sa katiwalian.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, ang mungkahi nila sa malakanyang ay bumuo ng Board of Inquiry, gaya ng ginawa noon sa Mamasapano at ang mamumuno ay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Idinagdag ni magpantay na dapat simulan ang imbestigasyon sa pagtukoy kung sino-sino ang mga sangkot at dapat managot.
Una nang inakusahan ni Magalong ang ilang mambabatas na nakakuha ng Kickbacks na 30 hanggang 40 percent ng Budget para sa Flood Control at Infrastructure Projects.
