Nagpapagaling ang isang Olive Ridley Sea Turtle na nailigtas sa Sarangani Province kamakailan.
Ang Pawikan ay natagpuang nanghihina matapos may makitang fishing hook na may cable wire sa kaniyang lalamunan.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Isang Bantay Dagat volunteer ang nakakita sa Pawikan at agad itong sinagip.
Nagdulot ng malalim na sugat sa esophagus ng pawikan ang nasabing fishing hook.
Dinala sa Wildlife Rescue Center ang Pawikan at doon inalis ang hook sa kaniyang lalamunan.
Masusi itong binabantayan habang nagpapagaling.
