SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaan sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026 kaugnay ng pagdiriwang ng holiday season.
Sa Memorandum Circular 111, ipinag-utos ang suspensyon upang mabigyan ang government employees ng oportunidad na maipagdiwang ang new year’s days activities at bumiyahe sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
16,000 public school teachers, prinomote ng DepEd sa ilalim ng Expanded Career Progression System
Gayunman, mananatiling operational ang mga ahensya na responsable sa basic, vital, at health services, maging ang preparedness at response duties.
Samantala, ang suspensyon sa trabaho sa private companies and offices, ay ipinauubaya ng Palasyo sa kani-kanilang pamunuan.
