INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanselado na ang passport ni Dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co, na iniuugnay sa multi-billion peso flood control corruption scandal.
Ginawa ng pangulo ang anunsyo, sa pamamagitan ng video message.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sinabi ni Marcos na inatasan na niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Philippine National Police (PNP) na makipag-coordinate sa Philippine Embassies upang matunton ang kinaroroonan ng dating kongresista.
Sa statement, inihayag naman ng DFA na nakumpleto ang proseso sa pagkansela ng pasaporte ni Co, dakong ala singko ng hapon, kahapon.
Una nang nagtungo si Co sa abroad, for medical reasons, subalit hindi na ito bumalik sa bansa, sa gitna ng imbestigasyon sa Budget Insertions at Flood Control Projects.
