20 July 2025
Calbayog City
Weather

Panibagong sama ng panahon mabubuo sa loob ng PAR ngayong linggo; may tsansang maging bagyo – PAGASA

par

Habang nananatili pa sa loob ng bansa ang Bagyong Crising, isang panibagong bagyo ang posibleng mabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast ng PAGASA mula July 18 hanggang July 25, isang Tropical Cyclone-Like Vortex o TCLV 1 ang kikilos pahilaga at may mataas na tyansa na mabuo bilang bagyo sa unang linggo ng forecast period.

Sa pagitan naman ng July 26 hanggang July 31, ang TCVL 1 ay kikilos na patungong Taiwan-Ryuku area.


Magkakaroon din ng panibagong TCLV-2 Asa Hilagang Silangang parte ng bansa pero mababa naman ang tsansa na maging bagyo ito.


Ayon sa PAGASA maaaring magkaroon pa ng mga pagbabago sa forecast sa susunod na mga araw kaya pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-antabay sa abiso ng weather bureau.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).