HANDA si Vice President Sara Duterte na harapin ang panibagong Impeachment Complaint laban sa kaniya.
Sa kabila ito ng mga umuugong na balitang may mga kongresista nang handang maghain ng reklamo matapos ang pinag-debatehang One-Year Ban Rule.
Para sa bise presidente, hindi na bago ang pagsasampa ng panibagong Impeachment Complaint.
Gayunman, isa lamang aniya itong “bargaining chip” na isisingit sa eksena bago pa maipasa ang 2026 National Budget.
Panawagan naman ni VP Sara sa aniya ay mga umaabuso sa impeachment process, itigil na nila ang pagtatago sa likod ng “Good Governance.”




