SUMABAK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa serye ng Bilateral Meetings sa Sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa pagbubukas nito kahapon.
Kasunod ng paglagda sa Accession ng Timor-Leste sa Regional Bloc, nagkaroon ng Bilateral Talk si Pangulong Marcos kay Cambodian Prime Minister Hun Manet.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Dito ay nagpahayag ang Cambodian leader ng suporta para sa nalalapit na pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN sa 2026.
Tinalakay din ng dalawa ang posibleng Deployment ng ASEAN observers sa eleksyon sa Myanmar na gaganapin sa Disyembre, upang suportahan ang pagbabalik ng bansa sa Democratic Processes.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakipagpulong din si Pangulong Marcos kay Thailand Prime Minister Anutin Charnvirakul, kung saan ipinaabot niya ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ni Former Thai Queen Sirikit.
Nagkasundo rin ang dalawang Southeast Asian leaders na palakasin pa ang kanilang ugnayan sa larangan ng turismo, agrikultura, kalakalan at pagnenegosyo, kabilang na ang Engagement sa Private Sector.
Nakipag-meeting din ang Chief Executive kay Canadian Prime Minister Mark Carney kung saan sumentro ang kanilang pag-uusap sa matatag na People-to-People Exchange sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakipagpulong din si Marcos sa kauna-unahang babaeng prime minister ng Japan na si Sanae Takaichi, pati na European Council at United Nations.
