PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Shipyard ng HD Hyundai Heavy Industries Philippines Inc. Sa Subic, Zambales.
Ito ay biglang bahagi ng muling pagpapasigla ng Shipbuilding sa bansa.
ALSO READ:
Sinabi ng pangulo na sa loob ng ilang dekada ay nagpo-produce ang Pilipinas ng mahuhusay na Seafarers, na akma dahil nagsu-supply din ang bansa sa buong mundo ng magagandang barko.
Ang inagurasyon ay sumisimbolo rin sa pagsisimula ng konstruksyon ng unang barko sa pamamagitan ng Steel-Cutting Ceremony.
Dumalo rin sa naturang Event sina Public Works Secretary Vince Dizon, US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at Ambassador Lee Sang HWA ng South Korea.