NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng karagdagang suporta para sa mga Pilipinong atleta.
Sinabi ng pangulo na mahalaga ang papel ng gobyerno para makapag-produce ang Pilipinas ng maraming international champions.
ALSO READ:
Lebron James, balik na sa training para sa nalalapit na pagbabalik sa Lakers
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pangako sa reopening ng PhilSports Complex sa Pasig City, kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng sports sa nation building.
Inihayag ng punong ehekutibo na wala nang iba pang aktibidad na nagpapatibay ng karakter kundi sports, lalo na sa kabataan, dahil manalo o matalo, makatutulong ito para sa pagbuti ng isang tao. Makikita rin aniya ang kahalagahan ng sports sa kakayahan nito na pagbuklurin ang bansa, gaya ng ginawa nina Manny Pacquiao at Carlos Yulo.
