IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malalambat ang “malaking isda” na nasa likod ng maanomalyang Flood Control Projects.
Muling inihayag ni Presidential Communications Secretary Dave Gomez ang naunang statement ni Pangulong Marcos na makukulong ang mga sangkot sa katiwalian sa Flood Control Projects bago mag-pasko.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Sinabi ni Gomez na tatlong buwan pa lamang mula nang ibunyag ng pangulo ang korapsyon sa flood control subalit marami na ang kinasuhan at mas marami pa ang kakasuhan habang ang iba ay nakakulong na.
Idinagdag din ng kalihim na ang mahalaga ay mapagtibay ang mga ebidensya sa case build-up upang walang makakalusot sa mga nagnakaw sa bayan at maibalik ang kanilang mga kinulimbat.
