TINIYAK ng malakanyang na nananatiling committed si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pagtugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin, partikular ang bigas.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na sa kasalukuyan ay hinahanap pa rin ang posibleng ugat nang biglang pagtaas ng presyo ng bigas.
Kasabay nito ay ibinabala ni Castro ang mas mabigat na parusa laban sa mga nananabotahe sa ekonomiya, lalo na ang mga smuggler at hoarders, na nagmamanipula sa presyo ng agricultural products.
Sa nakaraang sectoral meeting sa Palasyo, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang isang “Unified Approach” para ma-stabilize ang presyo ng pagkain, pati na ang pagbuo ng mga bagong polisiya upang maprotektahan ang mga consumer mula sa market volatility.