MAYORYA ng mga Pilipino ang aprub sa performance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong ika-apat na quarter ng 2024, batay sa resulta ng commissioned survey ng OCTA research.
Sa Nov. 10-16, 2024 survey, 76 percent ng adult Filipino ang kuntento sa overall accomplishments ng militar habang 2 percent ang hindi satisfied para sa positive 74 na net satisfaction rating.
Nakakuha rin ang AFP ng positive 73 percent na net trust rating, mula sa 75 percent ng mga Pinoy na nagpahayag ng pagtitiwala sa militar at 2 percent na hindi nagtitiwala.
Gayunman, ang net trust rating noong fourth quarter ng 2024 ay nakapagtala ng pagbaba simula noong December 2023.
Ang naturang survey ay ginamitan ng face-to-face interviews sa isanlibo dalawandaang adult respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.