NAKABALIK na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng kanyang produktibong paglahok sa 2025 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa South Korea.
Lumapag ang PR 001, lulan ang pangulo, sa Villamor Air Base sa Pasay City, 2:22 P.M. kahapon.
PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal
Pilipinas at Canada, nilagdaan ang Status of Visiting Forces Agreement
Mahigit 1,000 katao, dinakip bunsod ng iba’t ibang krimen sa paggunita ng Undas
Rice Import Ban, inaprubahan ni Pangulong Marcos hanggang sa katapusan ng 2025
Sa kanyang Arrival Statement, tinukoy ni Marcos ang serye ng “Productive Meetings” kung saan pinag-usapan ang iba’t ibang paksa.
Kabilang dito ang Supply Chain Disruptions, Climate Change, Economic Inequality, pati na Technological Transformation.
Inihayag din ng pangulo na nakipagpulong siya kina South Korean President Lee Jae-Myung at Chilean President Gabriel Boric upang pagtibayin at palalimin ang Bilateral Relations.
Ibinida rin ni Marcos ang Potential Investments, kabilang ang 50-Billion Peso Agreement na nilagdaan sa pagitan ng Philippine Economic Zone Authority at Samsung Electromechanics, na inaasahang lilikha ng mahigit 3,000 High-Technology Jobs.
