LUMIPAD patungong Washington D.C. si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang Official Visit, kabilang na ang meeting kay US President Donald Trump.
Sa kanyang Departure Speech sa Villamor Air Base sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na layunin ng kanyang pag-alis na isulong ang “Greater Economic Engagement.”
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Inihayag ni Marcos na intensyon niyang ipaabot kay Trump at sa mga opisyal nito sa gabinete na handang makipag-negosasyon ang Pilipinas para sa Bilateral Trade Deal, gayundin sa Security at Defense.
Umalis ng Pilipinas ang eroplanong sinakyan ng pangulo, kahapon ng alas diyes bente ng umaga.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang Asean Head of State sa Amerika sa ilalim ng kasalukuyang Trump Administration.
Kabilang sa mga paksang pag-uusapan nina Marcos at Trump ay ang mataas na 20% Tariff Rate sa Filipino Goods na papasok sa US.
Bukod kay Trump, magkakaroon din ng meeting si Pangulong Marcos kay US Defense Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio.
Iimbitahan din ni Marcos si Trump na dumalo sa East-Asia Summit, dahil ang Pilipinas ang magsisilbing host sa ASEAN Summit sa 2026.
