ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Camalaniugan Bridge Project na nag-uugnay sa Northeastern at Northwestern Parts ng Cagayan.
Sinabi ni Marcos na isa ito sa pinakamagandang tulay na nilikha sa Pilipinas, at masaya siyang itinayo ito nang tama sa panahon at maayos.
Umaasa ang pangulo na magiging Fully Operational ang Camalaniugan Bridge ngayong Christmas Season.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang naturang proyekto ay 1,580-Meter-Long Cable-Stayed Bridge na nagdurugtong sa mga bayan ng Aparri at Camalaniugan.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Union Water Impounding Dam sa Claveria, Cagayan.
Layunin nito na mapagbuti ang sistema ng irigasyon sa lalawigan, maging mas matatag sa pagbaha, at palakasin ang produksyon sa agrikultura.
Sa inagurasyon ng Dam, ibinida ng pangulo ang napapanahong pagkumpleto sa Infrastructure Project, kasabay ng pagbibigay-diin na natapos ito sa loob lamang ng labing apat na buwan.
Idinagdag ni Marcos na saklaw ng irigasyon ang tatlunlibo animnaraang ektarya kaya matutubigan ng sabay-sabay ang mga sakahan.
Pakikinabangan aniya ng mahigit isanlibong magsasaka at pitong barangay ang naturang proyekto.