PINAGHAHANDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan sa posibleng pananalasa ng Bagyong Crising.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment.
Sinabi rin ni Castro na patuloy din ang kanilang pag-momonitor at pagbibigay ng Advisories sa publiko.
Samantala, itinaas na sa Red Alert ang Status ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC).
Ayon sa NDRRMC ito ay upang matiyak ang kahandaan sa Bagyong Crising na nasa silangang bahagi ng Juban Sorsogon.
Epektibo ang pag-iral ng Red Alert alas dose ng tanghali, kahapon.
Sa pagtataas ng Status Required na magtalaga ng opisyal ang AFP, BFP, PCG, PNP at Technical Staff mula DOST-PAGASA, DILG, DSWD, DA, DPWH, DepEd at DOH sa Operation Center ng NDRRMC.