INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo pa ng dekalidad na pabahay na malapit sa mga trabaho, terminals, at iba pang mga pangunahing serbisyo para sa kapakinabangan ng mga pamilyang Pilipino.
Kahapon ay nakipagpulong ang pangulo sa mga opisyal ng DHSUD na pinamumunuan ni Secretary Jose Ramon Aliling, at iba pang concerned agencies sa Malakanyang.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Tinalakay sa pulong ang expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino housing (4PH) Program Catch-Up Plans, pati na ang updates sa iba pang housing initiatives.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, ipinag-utos din ng pangulo sa DHSUD ang pagkakaroon ng mas simpleng proseso na makapagbayad ang low- and middle- income families para sa pabahay.
