Nakabalik na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagkatapos ng kaniyang state visit sa India.
Dumating sa bansa ang pangulo alas 8:06 ng gabi kasama ang kaniyang delegasyon.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Ibinahagi ng pangulo ang mga positibong resulta ng kanilang pagbisita sa India, kabilang ang labingwalong (18) kasunduan sa negosyo at ang mga hakbang patungo sa mas matibay na ugnayan sa kalakalan, digital infrastructure, renewable energy, at edukasyon.
Kumpiyansa ang pangulo na ang ugnayan ng Pilipinas sa India ay maghahatid ng kaunlaran sa dalawang bansa.