TARGET ng Department of Finance (DOF) na makalikom ng 193.65 billion pesos mula sa Privatization ng Big-Ticket Government Assets.
Kabilang na rito ang Financial Center Area sa Pasay City at Food Terminal Inc. (FTI) Property sa Taguig City, pagsapit ng 2026.
Nailatag na ng Privatization and Management Office (PMO) ang Pipeline ng labing isang Major Assets na nakatakdang i-privatize ngayong 2025 at sa susunod na taon.
Ibinida ni Finance Undersecretary Catherine Fong na mayroong solidong plano ang kanilang ahensya para sa Privatization, subalit inaasahan na aniya ang mga hamon sa pagpapatupad nito.




