Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magsasagawa ito ng pagbisita sa mga establisyimento sa Metro Manila para i-monitor ang pagsunod nila sa dagdag sahod para sa minimum wage earners na magiging epektibo sa July 18.
Ayon kay National Wages and Productivity Commission executive director Maria Criselda Sy inatasan na ni
Labor Secretary Benne Laguesma ang field offices sa NCR pata magsagawa ng labor inspections.
Ipinaliwanag ni Sy na ang mga kumpanya na mayroong 10 pababa na bilang ng mga empleyado ay at mga kumpanya na naapektuhan ng kalamidad ay maaaring ma-exempt sa pagpapatupad ng wage increase.
May ipinatutupad aniyang mekanismo ang DOLE para sa paghahain ng exemption ng mga kwalipikadong kumpanya.
Batay sa inaprubahang wage order, mula sa dating P645 ay magiging PP695 na ang minimum na sahod sa Metro Manila.