PORMAL nang inirekomenda sa Office of the Ombudsman ng Department of Public Works and Highways at Commission on Audit ang pagsasampa ng limang (5) kasong kriminal laban sa mga contractors na sangkot sa mga maanomalyang Flood-Control Projects sa Bulacan.
Pinangunahan ni DPWH Secretary Vince Dizon at Commission on Audit Chairperson Gamaliel Cordoba ang pagsusumite ng Joint Referral ng listahan ng mga natuklasang contractor na mayroong Ghost at Substandard Projects batay sa isinagawang Fraud Audit.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Iminungkahi ng DPWH at COA sa Ombudsman ang pagsampa ng Kasong Kriminal sa mga sumusunod na contractors:
St. Timothy Construction na may dalawang proyekto
WAWAO Builders na may dalawang proyekto
SYMS Construction Trading na may isang proyekto
Tiniyak naman ni Dizon na simula pa lamang ito ng gagawing pagsasaayos ng ahensya at titiyakin na bawat sangkot ay mananagot at makukulong.
Ayon kay Dizon, sunod nilang irerekomenda sa Ombudsman ang pagsasampa ng Kasong Kriminal laban sa mga napatunayang tiwali sa DPWH.
