SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Strengthening Activities para sa San Juanico Bridge habang hinihintay ang pagre-release ng pondo mula sa National Government.
Ayon kay Ferdinand Fabile, DPWH Engineer na itinalagang mangasiwa sa proyekto, humingi ng tulong ang DPWH Regional Office mula sa limang Local Contractors para maisagawa ang Shoring Method bago ang Retrofitting.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Ipinaliwanag ni Fabile na ang Bridge Shoring ay isang Temporary Support System na ginagamit sa construction, repair, o demolition, upang maiwasan na bumagsak o gumalaw ang tulay.
Nakumpleto na ng DPWH Regional Office ang Shoring Method sa siyam mula sa apatnapu’t dalawang spans ng 2.16-kilometer bridge na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Leyte at Samar.
