25 April 2025
Calbayog City
Local

Paglulunsad ng mga hakbang laban sa dengue sa Calbayog City, puspusan upang mapigilan ang paglaganap ng sakit

SINAKSIHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Misting and Fogging Operation ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Rafael Lentejas Memorial School of Fisheries.

Layunin ng operasyon na makontrol ang pagdami ng mga lamok at maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral at faculty.

Kamakailan ay pinangunahan ni Mayor Mon ang Barangay Nijaga na isa sa mga barangay na lumahok sa City-Wide Synchronized Anti-Dengue Advocacy Campaign.

Ipinag-utos ng alkalde ang malawakang kampanya para sa 5s Strategy laban sa dengue, kung saan partikular na tinututukan ang Search and Destroy sa mga breeding sites o mga pinangingitlugan ng mga lamok.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).