NADISKUBRE ng militar ang ipinagbabawal na anti-personnel mines na pag-aari ng New People’s Army (NPA) sa Llorente, Eastern Samar.
Natagpuan ng mga tauhan ng 78th Infantry Battalion ang landmine cache sa bulubunduking bahagi ng Barangay Antipolo.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Ayon kay 78IB Commander, Lt. Col. Joseph Bugaoan, katuwang ang Municipal Police Station ng Llorente, nadiskubre nila ang apat na landmines na ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law, isang rifle grenade, 22 carbine ammunition, apat na handheld radios, at iba pang kagamitan ng mga rebelde.
Sinabi ni Bugaoan na ang mga ipinagbabawal na kagamitan sa pakikidigma ay mula sa mga natirang miyembro ng Apoy Platoon sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng NPA.
