UMAKYAT na sa walo ang active cases ng Mpox sa bansa, makaraang tatlo pang mga bagong kaso ang naitala ng Department of Health.
Ayon sa DOH, ang dalawang karagdagang kaso ay mula sa Metro Manila habang ang isa pa ay mula sa Calabarzon.
Inihayag ng ahensya na lahat ay nagpositibo sa MPXV Clade II, na mas mild na klase ng Mpox virus.
Bunsod nito, lumubo na sa labimpito ang total caseload ng mpox sa Pilipinas simula noong July 2022.
Siyam sa mga ito ang matagal nang naka-rekober noong 2023 habang walo ang nananatiling aktibo at naghihintay na gumaling ang mga sintomas.