PINAIGTING ng Leyte Police Provincial Office (LPPO) ang kanilang imbestiga at search operations kasunod ng napaulat na pagkawala ng parish priest sa Leyte.
Inihayag ng LPPO na tuloy-tuloy ang kanilang validation, case build-up, at coordination sa concerned police units, kaugnay sa pagkawala ni Father Edwin Cutz Caintoy, limampu’t limang taong gulang.
2 firecracker-related injuries at 163 road crash injuries, naitala sa Eastern Visayas
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Si Father Edwin ay kura paroko sa San Jose De Malibago Parish sa Barangay Malibago sa Babatngon, Leyte.
Sinabi ng pulisya na nang matanggap nila ang report noong Dec. 24, ay agad silang nagsagawa ng tracking at verification activities.
Ni-review din ng mga awtoridad ang available na CCTV footage, kung saan huling nakita ang pari dakong alas nueve ng umaga, habang patungo sa isang mall sa Abucay District sa Tacloban City.
