TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Epektibo ang pagbibitiw ni Bonoan, ngayong Lunes, Setyembre 1, 2025.
ALSO READ:
Nagbitiw si Bonoan dahil sa kontrobersiya sa maanomalyang Flood Control Projects.
Sa liham ni Bonoan sa Malakanyang, sinabi nitong suportado niya ang panawagan ni Pangulong Marcos na magkaroon ng Accountability, Transparency, at Reporma sa DPWH.
Samantala, itinalaga ni Pangulong Marcos si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH kapalit ni Bonoan.
Inatasan din ng pangulo si Dizon na magsagawa ng Full Organizational Sweep sa DPWH.
Pansamantala namang magsisilbi bilang Acting DOTr Secretary si Atty. Giovanni Lopez.




