INANUNSYO ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-freeze sa assets ng mga indibidwal at korporasyon na sangkot sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Sa Briefing sa Maynila, sinabi ni AMLC Executive Director Atty. Matthew David na ang Freeze Order na sumasaklaw sa 135 Bank Accounts at 27 Insurance Policies ng mga personalidad at korporasyon ay kinatigan ng Court of Appeals kahapon.
Kasunod ng Request mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Biyernes.
Hindi naman binanggit ni David ang Estimated Value ng Bank Accounts.
Aniya, binigyan ang mga bangko ng dalawampu’t apat na oras para magsumite ng Reports hinggil sa mga Account.
Tumanggi rin ang AMLC chief na isiwalat ang mga detalye dahil sa Confidentiality Clause ng Freeze Order.




