5 July 2025
Calbayog City
National

P7.2B na halaga ng shabu at marijuana nakumpiska sa mga ikinasang operasyon sa Region 1 noong Hunyo

shabu

Sa loob ng isang buwan umabot sa mahigit P7.2 billion na halaga ng pinagsamang shabu at marijuana ang nakumpiska sa mga ikinasang operasyon ng Police Regional Office 1.

Ayon sa PRO1, umabot sa 151 na operasyon ang ikinasa mula June 1 hanggang June 30 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit isang milyong gramo ng shabu at mahigit 24 grams ng dried marijuana.

Sa nasabing mga operasyon, umabot sa 138 ang naarestong suspek na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng bawal na gamut sa rehiyon.

Pinaigting din ng PRO1 ang kampanya nito laban sa mga wanted person kung saan umabot sa 29 most wanted ang nadakip at 260 na iba pang wanted persons.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).