INILUNSAD ng Northern Samar Provincial Government ang “Benteng Bigas, Meron Na!” Program.
Layunin ng programa na isinagawa sa Capitol Gym sa Catarman na makapagbenta ng abot-kayang presyo ng bigas sa low-income families sa lalawigan.
Maaring bumili ang bawat pamilya ng hanggang sampung kilo ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo.
Hinikayat ng Provincial Government ang mga residente na samantalahin ang programa, kung saan kabuuang apatnaraang sako ng bigas ang available, at ang distribusyon first-come, first-served.




