Arestado ang dalawang suspek matapos mahulihan ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Montalban, Rizal.
Ayon sa ulat ng Task Force Anti-Criminality (TFAC) ng Montalban, isinagawa ang operasyon sa Phase 2, Eastwind Subdivision sa Brgy. San Isidro kung saan nadakip ang dalawang suspek at nakumpiska ang isang (1) piraso ng knot-tied transparent plastic sachet at apat (4) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Tinatayang aabot sa 162 grams ang nakumpiskang ilegal na droga na mayroong street price na P1,101,600. Nasabat din mula sa kanila ang “buy-bust money” ng naturang operasyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
