15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Dating Thailand Prime Minister Thaksin, lilitisin bunsod ng pang-iinsulto sa monarkiya

NAKATAKDANG litisin ang dating Prime Minister ng Thailand na si Thaksin Shinawatra dahil sa pang-iinsulto sa monarkiya, na nangyari halos isang dekada na ang nakalipas.

Ayon sa Attorney General’s Office, ipatatawag ng korte si Thaksin sa June 18 para sagutin ang mga kaso sa ilalim ng mahigpit na Lese Majeste Laws ng Southeast Asian Kingdom.

Ang pitumpu’t apat na taong gulang na si Thaksin, na  two-time premier ay pinatalsik sa pamamagitan ng 2006 Coup at nag-self-exile sa loob ng labinlimang taon.

Bumalik siya sa Thailand noong nakaraang taon nang manalo ang kanyang political party para pamunuan ang coalition government.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *