MANANATILI sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff, Undersecretary Zuleika Lopez, dahil sa “humanitarian reasons.”
Ayon kay house Representatives Secretary General Reginald Velasco, pinayagan si Lopez na manatili sa VMMC dahil prayoridad ng kamara ang kanyang kalusugan at kaligtasan.
Kasunod ito ng naunang desisyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ilipat si Lopez sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong City.
Biyernes ng gabi nang magpasya ang komite na ilipat ang ovp Chief of Staff sa correctional facility, subalit sinabi ni Velasco na pinigilan ni VP Sara ang implementasyon nito sa pamamagitan ng pagharang sa detention room.
Samantala, inihayag ni VP Sara na hindi siya sigurado kung makadadalo si Lopez sa house hearing ngayong lunes, at intensyon na nitong mag-resign bilang OVP Chief of Staff.