NAGTATANIM ang pamahalaang lungsod ng Ormoc ng karagdagang mga puno at kawayan, at nagtatanggal din ng mga bara sa mga daluyan ng tubig bilang mga hakbang laban sa baha.
Simula 1996 hanggang 2001, nagpatupad ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng iba’t ibang disaster management projects sa Ormoc, kabilang na ang pagkukumpuni ng dalawang revetments, tatlong slit dams, at walong drop-off works, pati na improvement ng inland water drainage sa dalawang ilog, at konstruksyon ng limang bagong tulay.
Hinimok ni Mayor Lucy Torres-Gomez ang kanyang mga nasasakupan na ipagpatuloy ang pagsisikap na maging mas matatag ang Ormoc, tatlumpu’t tatlong taon makalipas ang Nov. 5, 1991 flash flood na pumatay ng nasa walunlibo kato.
Inihayag naman ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez na ang ika-tatlumpu’t tatlong komemorasyon ng trahedya ang nagpatatag pa sa commitment ng lungsod na pangalagaan ang kalikasan.