ANIMNAPUNG lokal na kandidato sa Eastern Visayas ang tumatakbong “unopposed” o walang kalaban sa 2025 elections, ayon sa COMELEC.
Sa naturang bilang, dalawa ang kumakandidato bilang kongresista, isa sa pagka-gobernador, dalawa sa pagka-bise-gobernador, dalawampu’t anim sa pagka-alkalde, at dalawampu’t siyam sa pagka-bise-alkalde.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Sinabi ni Atty. Corazon Montallana, COMELEC-8 Assistant Director, ilang lokal na posisyon ang uncontested dahil maaring kuntento ang mga tao sa pamamahala at pagseserbisyo ng mga namumuno sa kanilang lugar.
Mula sa anim na provincial governors sa Eastern Visayas, tanging si Sharee Ann Tan ng Samar ang walang kalaban habang unpopposed din ang dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Reps. Stephen James Tan ng First District at Michael Reynolds Tan ng Second District.
